Tuesday, August 28, 2007

8

Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sa ating bansa Tagalog ang tunay na wika, ngunit hindi lang iisa ang wikang ginagamit natin ngayon, kahit saan mang nayon maririnig natin ang ibang wikang ginagamit nila. Minsan natatanong ko sa sarili kona bakit ang bansang Pilipinas ang bukod tanging may iba’t ibang klase ng wika ang ginagamit kung gayon namang ang ibang bansa ay iisa lamangang wikang tinatangkilik. Pero, naisip ko na hindi naman ibig sabihin na iba iba ang ginagamit nating wika ay hindi na natin tinatangkilik at minamahal ang sarili nating wika, siguro nga lang eh magaling lamang ang dila ng mga Pilipino na bumigkas ng mga salita. At kahit na may iba’t iba tayong ginagamit na wika ay masasabi ko na matatag ang ating bansa dahil kahit saan man tayo pumunta marunong tayo makisamao makihalubilo sa pamamagitan ng wikang alam natin at higit sa lahat nagagamit natin sa pagtatrabaho o di kaya ay sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa kaya sa tulong ng ibang wika nagiging matatag ang ating bansa.

7

Maraming Wika, Maraming Bansa

Sa paglipas ng panahon, hindi natin mawwaglit sa ating isipan ang isang wika nqa nagging bahagi na ating buhay, walang iba kundi ang wikang Tagalog. Tagalog na ginagamit natin sa lahat ng bagay. Wikang Tagalog na nakamutan na natin ngang tayo’y isilang sa mundong ibabaw. Batid nating marami tayong mga wika na ginagamit saang mang lugar. Mga wika na naging tatak, na sila ay kabilang sa lugar na iyon. Tatak na doon sila makikilala. Subalit hindi natin maikakaila na ang wikang Tagalog ay lumalabas sa kanilang mag bibig. Kaya nga tinagurian itong “ pambansang wika” na ating bansa. Subalit, masasabi ba nating naging ganap na matatag an gating bansa kahapon at ngayon?

Batid nating lahat na naimpuwensyahan tayo ng mga taga- Kanluranin. Isang wika na tatak na nila na naiwan nila at naging tatak na din natin. At hindi rin natin maikakaila na nakatulong ito para maging matatag ang isang bansa. Ang wikang Ingles na naitatakm sa atin ay natutuhan ngayon ng halos kalahating Pilipino ngayon. Pinag-aaralan upang magamit sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. At dahil sa mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, tumataas an gating ekonomiya ngayon. At masasabi nating unting- unting nagiging matatag an gating bansa. Sadya nga talagang magaling ang dila ng mga Pilipino. At masasabi natin ngayon na maraming wika, matatag na bansa. Maihahalintulad natin ito sa isang pamilyang may matatag na pagsasamahan.

6

Have I Heard It Right?

“Multi-linguistic country, strong country”—that was the theme that I had to work on writing far a school event. And I almost think that they’ve got it all wrong. How could it ever be that the state of being multi-lingual strengthens the nation whereas strength can greatly be attained with the aid of unity? Unity implies sameness, wholeness and consistency. Isn’t it? Could it be that the real theme was “One language, one compact nation”?

That’s just what I initially thought as I hear the theme given to us in a school event. But initial reactions do not necessarily have to stay with you for a lifetime, right? When you recovered from shock, you can at once redeem yourself. And that’s what had happened to me. I happen to realize later that I was looking in a narrow picture of it and that there are still broader views that I have to see. Let’s just say that the narrow point of view is regionalism; otherwise it’s globalization.

When we talk about regionalism, we may say that Filipinos are accustomed to having numerous dialects that differ per region. Some of us barely even understand the dialects used by some of our fellowmen. So where is unity in that case? How could we be referred to as a strong republic? The answers can never be drawn out of these questions actually because this by far is only the wrong prerogative. Perhaps, “multi-linguistic” is what the theme is proposing. It implies therefore multiple languages, not just multiple dialects. Don’t you get confused between the two terms. The term dialect refers to the language spoken only in some regions of a country while the term language refers to the one generally spoken by the citizens of a country.

On the other hand, when globalization is being talked about, we may be talking about a Filipino being literate in foreign languages. Most Filipinos, though not all, are bilingual being able to communicate both in English and in Filipino. Some may say at once that it is not a nationalistic thing to do because we are not patronizing our native language solely. But the truth is, doing it so does not lessen a person’s nationalism. The English language is in fact considered as our second national language. Furthermore, it is also the language of globalization. If we are able to communicate to the world, we can branch out to our neighboring countries and be aided by them during the times that we are losing our own strength. And later, we will be able to establish our own strength. United Nations (UN) is a clear example of this.

And so, out of these things I’ve drawn from careful thinking, I can now make myself believe that being multi-lingual really is a foundation of a nation’s strength. And so I say, “yes, I’ve heard it right!”.

5

“Maraming Wika, Matatag na Bansa”

“Akoy isang Pinoy sa puso’t diwa pinoy

Pinoy na isinilang sa ating bansa,

Ako’y hindi sanay sa wikang banyaga

Akoy Pinoy na mayroong sariling wika”

Hango sa linya ng isang awitin na nagbibigay alab sa damdamin natin upang bumangon ang ating pagkapilipino. Ang awiting magpasahanggang ngayon ay nakakintal pa rin sa ating mga gunita. Nais ipahiwatig ng awiting ito na tayong mga Pilipino ay may wika na binhi at nabuhay patak ng pawis at dugo na inalay ng ating mga bayani at dakilang tao na nagging parte ng pagtataguyod ng isang moog na bansa. Ngunit ang tanong na naglalaro sa isipin ng karamihan sa mga kapwa ko Pilipino ay tayoy isang bansa, subalit tayoy gumagamit ng maraming wika na may ibat ibang kahulugan na nagmula sa ibat ibang lugar, pano ang pagkakabuklod kung walang iisang wika na magbubuklod sa lahat?

Ang katanunagang itoy lubos na nangangailangan ng malalim na pag-unawa at makabuluhang pangangatwiran. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking pananaw mula sa paksa na ito hango sa aking pang-unawa.

May kasabihang wika ang nagbubuklod sa isang nasyon, ito ang nagsisilibing tanikala na matibay na bubuo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan ng isang pangkat.Batid kong mahirap pagbuklurin ang isang nasyon na may ibat ibang wika na isinasalita, datapwa nanniniwala ako na ang pagkakaisa ay di nakasalalay lamang sa mga salitang ibinubulalas ng ating bibig, bagkus ito ay sa pusong may mithiing makibahagi at makiisa sa mga tao na kahit may balakid sa pagkakaunawawan ay handang wasakin ang humaharang na hadlang. Kung ganun nararapat ba na manatiling wika lang natin ang maabot na ating pang-unawa?

Isang karangalan na kilalanin sa buong mundo na ang Pilipinas ang may pinakamaraming wika na isinasalita, Mas lubos na kalugod lugod kung kikilalanin tayo na pinakamaunlad na bansa na may pinakamaraming wika. Sa panahon ngayon hindi dapat napapako ang ating paniniwala na isang wika lang lang ay sapat na, higit na magpapayabong ng iyong kaalaman kung maitatatak natin sa ating isipan na higit na kailangan ang matuto ng ibat-ibang wika. Maaari nating simulan na aralin ng wika ng ibat ibang mamamayan, upang sa gayoy mas madali ng maging paraan ng pag-papaabot ng mensahe sa ibat ibang tao na mula sa ibat ibang lugar sa bansa. Sa isang bansa na gumagamit ng maraming wika mahirap maabot ang ideyal na lubos nas pagkakabuklod, kung di tayo magkakabuklod nasaan ang pag-unlad?

Sa tulong ng mga pandayan ng isipan, ang mga paaralan, at responsableng mga guro handang linangin ang kaisipan ng mga kabataan, ngayon hindi na imposibleng makamit ang pagkakaroorn ng lubos na pagkakaunawaan ng bawat mamamayang Pilipino mula sa ibat ibang dako ng bansa. May isang aralin na sadyang laan upang malinang ang isipan ng ating mga kabatatan sa lubos na pagpapapayaman sa ating pambansang wika at ito ay ang Pilipino. Ang araling ito ay naglalayong ipabatid sa lahat ng kabataan mula sa ibat ibang dako ng bansa na wikang Pilipino ay ang wika na dapat maitatak at mapag-aralan ng bawat Pilipino. Dito nagsisimula ang pambansang mithiin na magkabuklod ang lahat tungo sa minimithing pangarap na pag-unlad.Paano nga ba magiging daan ang wika pram aging maunlad ang isang bansa?

Maaring maging mabisang sandata ang wika upang mabuwag ang harang na dulot at nabuo dahil sa pagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng mga mamamayan mula ibat ibang dako nang bansa. Mas titibay ang pundasyon ng pagsasamahan ng bawat mamamayan kung bawat salitang namumutawi sa kanilang mga labi naaabot ng pang-unawa ng bawat isa. May kasabihan nga puso ang mas nakakaalam kung ito’y nag simulang pumintig at umayon sa pintig ng bawat isa maging di pagkakaunawaan a wikay di maituturing na hadlang dahil ang mithiiy utos ng puso. Naniniwala ako na higit na makapangyarihan ang layunun ng puso, sapagkat ang pusoy di kailanman makapagsisinungaling di gaya ng salita na namumutawi sa ating mga labi.

Ang liriko ng awiting akoy isang Pinoy naglalayon lamang na ipabatid sa lahat na ang pag Pilipinoy dapat itimo sa puso at ating isipan. Tayo ay iisang lahi na binunuklod ng ibat ibang salita na pinangungunahan ng wikang Filipino. Hindi magiging malakas na alon ang pagkakaroon ng maraming wika sa paglalayag natin tungo msa isang mithiin, bagkus itoy hindi nkailanman magiging suliranin basta manatili lang tayo Pilipino sa pusot diwa.

4

Maraming Wika Matatag Na Bansa

Pilipinas….. Maliit na bansa kung ikukumpara sa iba, ito ay nahahati sa 3 pulo ang Luzon, Visayas at Mindanao, sa ibat ibang lugar sa bawat pulo mayroon tayong ibat ibang dayalekto, Sa bawat probinsya may dayalekto na ginagamit sa partikular na lugar. halimbawa ng mga Dayalekto ay ang Ilokano, Ilonggo, kapangpangan, cebuano, kan-ka-na-e, atbp.

Nakakapagtaka kung bakit sa dami ng ating dayalekto na ginagamit nananatili tayong isa, hindi katulad sa ibang banyagang bansa, nagiisa ang kanilang lengguahe ngunit sila ay nagwawatak watak. Sa kabila ng pagkakasakop sa atin ng mga hapon, amerikano at mga kastila hindi nagbago ang ating mga dayalekto kundi may mga salita lamang tayo na naihango sa kanilang lengguahe.

Dahil sa pagkakatatag ng ating wikang pambansa na tinatawag nating Tagalog kahit saan mang lugar tayo mapadpad may mga taong nakakaintidi sa ating wika, Bakit nga ba Tagalog?, dahil mas madali itong matutunan at mas marami ng Pilipino ang gumagamit nito, dahil sa ating wikang Pilipino tayo ay napag uugnay uganay sa kabila ng ating pagkakaiba iba. Ang ating wika ang nagsisilbing tulay upang tayong mga Pilipino ay magkaintindihan at magka isa.

Sinakop na tayo ng ibat ibang banyaga ngunit hindi sila nagtagumpay, Nagsilbing sandata ang ating wika upang tayo ay makalaya sa pagpkakabihag ito ang naging koneksyon ng ating mga ninuno upang maghimagsik at makamit ang kalayaan.

Ang kakayahan nating mga Pilipino ay laging siusubok tulad din ng ating wika hanggat sinusubok ng panahon lalong tatatag parang isang tunay na pinoy habang may pagsubok laging lumalaban. Kung may pagkakaisa tayo ay tatag, kung tayo ay tulong tulong tayo ay aasenso.

Sabi nga ni Gat Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”

3

MARAMING WIKA : MATATAG NA BANSA

PILIPINAS…….

Isang maliit na bansa ngunit binubuo ng pitumpung libo, isandaan at pitong pulo. Isang bansa na may napakaraming diyalekto ngunit sa napakaraming pagkakataon napatunayan natin sa buong mundo na bagamat ganito ang sitwasyon ng bansang Pilipinas, nakukuha ng mga Pilipino na magkaisa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang bansang Pilipinas ay nakaukit sa listahan ng kasaysayan ng mundo at kilala ang lahing Pilipino sa pagiging matapang at lahing hindi sumusuko sa kahit anumang laban.

Isa sa mga klasikal na halimbawa ng pangyayari sa kasaysayan ay ang pagkakapit-bisig ng mga Pilipino upang pabagsakin ang Rehimeng Marcos. Likas na sa ating kultura ang pagmamahal sa ating kalayaan at ipagtanggol ang bansang sinilangan. Kaya naman ng ibaba ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar na nasundan ng pagkamatay ni Ninoy Aquino, agad nag-aklas ang mga Pilipino sa EDSA. Kinalimutan ang pagkakaiba-iba ng relihiyon, diyalekto at paniniwala, nagtipon-tipon bilang isang malakas na grupo para makamit ang isang hangarin, ang mithiing ibalik ang kalayaang nawala at muling buhayin ang kaunlaran ng ating bansa. Hanggang sa kasalukuyan ay nauulit pa rin ang mga pangyayari sa kasaysayan na nagpapakita na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal sa ating sariling lahi… wika… at bansa…

Ang Pilipino ay kilala sa larangan ng bayanihan at pagtutulungan sa oras ng kalamidad o kagipitan. Ang Pilipino kahit nasaan man sa mundo ay handang tumulong sa kapwa Pilipino. Makikita na sa bawat pagragasa ng ibat ibang klaseng kalamidad sa ating bansa tulad ng bagyo, lindol at maging pagsabog ng bulkan, ang ating mga kababayan ay handing tumulong at nagkakaisa sa pagbabahagi ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at pera. Karamihan sa mga nagbibigay ng donasyon ay galing sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa lamang na patunay na kahit karagatan ang pagitan nating mga Pilipino, nagagawa nating magtulungan tungo sa kabutihan at kaunlaran ng bawat isa.

PILIPINO…… bagamat laging kinukutya ng ibang lahi, patuloy na bumabangon sa ibat ibang hamon. Taas noong hinaharap ang buhay at patuloy na lumalaban. Isang lahing huwaran ng katapangan at katatagan, may paninindigan at lahing angat sa iba. Bagamat marami tayong wika, abot-kamay natin ang maunlad at matatag na bansa.

2

“Maraming Wika, Matatag na Bansa!”

Paano nga ba magiging matatag ang isang bansa na nagtataglay ng mahigit sa isang daang wika?

Ang basehan ng temang Maraming Wika, Matatag na Bansa ay ang pagiging multilinggwal ng mga Pilipino at pagkakaroon ng iba’t ibang kultura sa bansa. Lingid sa kaalaman ng nakararaming Pilipino isang bentahe ang pagkakaroon natin ng isangdaan pitongput isang linggwahe o mas kilala sa turing na dialekto.

Isa sa napakagandang halimbawa ng pagiging multilinggwal ay si Gat Jose Rizal tinuring at inihalintulad nya ang wika bilang isa sa mga sandata upang paunlarin ang kanyang sarili. Napunta sya sa iba’t ibang lugar ngunit nanatiling marunong sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.

Ganunpaman, mayroon tayong wikang pambansa at wika ng Katagalugan. Ang “Wikang Filipino” ay tinuturing na wika ng bansang Pilipinas, samantalang ang “Wikang Tagalog” ay ang wika ng Katagalugan. Kung sa pag-uusap ng dalawang Pilipino ay gumamit ang isa ng wikang Filipino at ang isa ay wikang Tagalog. Magkakaunawaan sila sapagkat hindi nalalayo sa batayang pang-gramatika ang dalawang wika. Masasabi natin na bagamat sa ilang salita ay hindi ito magkakaisa taglay pa rin nito ang pagkakaroon ng mutual intelligibility o pagkaunawa bagamat magkaiba ang wika.

Alam natin na mayroon tayong mga wikang panrehiyon, mga wika na hindi alam ng mga tao sa magkakaibang lugar. Ang pangkaraniwang Pilipino ay may alam na dalawa o higit pang wika. Ngunit makasasapat ba ang taglay na wika upang magkaroon ng ugnayan? Ang wikang Tagalog, Kapampangan, Ilonggo, Sebwano, Ilokano ay ilan lamang sa mga higit na nagagamit na wika ng mga Pilipino. Sa ganitong katotohanan totoong nagkakaunawaan pa rin ang bawat tao bagamat maraming wika ang taglay nito. Sa pang-ekonomikong kalagayan, hindi ba’t tayo ay nangangailangan ng tulong galing sa iba’t ibang rehiyon ng bansa? May taglay mang marami at iba’t ibang wika, nagkakaroon pa rin ng pagkakaunawaan dahil sa iisang layunin.

Hindi kailanman maituturing na hadlang ang mga wikang ito upang hindi makamit ang pagiging matatag na bansa. Katunayan nito ang pagkakaroon natin ng dalawang opisyal na wika, ang Wikang Filipino at Ingles! Ngunit hindi pa rin isinasantabi ang mga wikang panrehiyon na matatawag na sariling atin. Sa kabilang panig dapat nating paunladin ang bawat wika sa ating bansa upang magkaroon ng higit na pagkakaunawaan ang bawat isa. Ang wikang Ingles ay isang dayuhang wika at tinitingnan bilang isang balakid sa pagkakaroon ng isang sentralisadong bansa na may iisang wika, ngunit kung ating titingnan ang kaisipang ito ay unti-unti ng nababago sapagkat nanalig ako na habang pinagyayaman ang ating sariling wika ay dapat ding pagyamanin ang bawat wikang umiiral sa ating bansa. Hindi ibig sabihin nito ay dapat kalimutan ang wikang kinagisnan at sariling atin.

Maari nating marating ang higit na pag-unlad at pagiging matatag na bansa sa pamamagitan ng kaalaman natin sa maraming wika ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa ating wikang pambansa. Dahil may responsibilidad tayo sa wikang taglay natin at dapat nating alalahanin ang mga katagang “Ang hindi lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kanyang patutunguhan.” sa wikang Ingles, “He who does not look back at his birthplace will not reach his future.” sa wikang Cebuano, “Kadtong dili molingi sa gigikanan, dili makaabot sa gipadulongan.” sa wikang Hiligaynon, “Kno sin-o ang hindi makihibalo magbalikid sang iya ginta-uhan, indi makaabot sa iya padulungan.” sa wikang Kapampangan “Ing e byasang malikid king kayang ibatan, e ya makaratang king kayang pupuntan.” at sa wikang Ilokano “Ti saan a tumaliaw iti naggappuana, saan makadon iti papanama.

Marami mang wika ang ating bansa mas higit tayong pagbubukludin at pag-iisahin nito tungo sa pagkakaroon ng matatag na bansa! Nais ko sanang gamitin ang katagang ito sa aking pagwawakas, isang American Indian ang nagsabi tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para sa kasalukuyang panahon. Ngunit kailangan natin ang sariling wika, para mabuhay nang habampanahon.

Magandang araw sa inyong lahat!

1

“Maraming Wika, Matatag na Bansa”

Noong una pa man, suliranin na kung anong pangkalahatang wika an gating gagamitin na makatutulong sa pag-unlad ng lahat. Sa laranagan ng edukasyon, higit itong pinagtalunan sapagkat batid nating lahat na higit na nakaaapekto sa intelektwal, at sosyal nating pag-unlad ang lahat ng ating natututunan sa paaralan.

Una nang ipinatupad ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ngunit higit itong tinutulan ng mga rehiyong di-Tagalog. Nakadagdag pa upang ito’y di sang-ayunan ang mga naging resulta ng lahat ng mga pagsusulit ng mga estudyante sapagkat di lahat ng asignatura ay maaaring ituri sa wikang Filipino. Marami nag humina sa pag-aaral ng Ingles na naging dahilan sa pagbagsak sa mga bar examination ng nakararami at naging dahilan din upang maging panghuli ang Pilipinas sa agham at teknolohiya.

Dahil dito, noong 1974, sa bias ng Kautusang Pangkagawaran, ipinatupad ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Ayon ditto, dalawang wikang panturo ang gagamitin sa pagtuturo sa iba’t ibang aralin.

Ang paglalagay sa wikang Filipino bilang kapantay ng Ingles sa pagtuturo ay umani ng maraming suliranin at pagtutol lalo na sa tertiary level sa iba’t ibang rehiyon kaya’t upang di magkaroon ng rehiyonalismo, tinanggap ang mga salita mula sa iba’t ibang rehiyon.

Masasabi nating sa pamamagitan nito, unti-unting nawala ang mga naglabasang suliranin sa edukasyon at mas napagtuunan ang paglinang dito upang unti-unting tumaas ang antas ng edukasyon sa bansa. Sapagkat tanggap na ang iba’t ibang wika sa lipunang ating ginagalawan, hindi na mahirap para sa may ibang pananalita ang mapaunlad ang kanilang mga sarili sapagkat di na nila kailangan pang intindihin ang ibang salita para lamang sila’y matuto.

Samantala, ang paggamit ng wikang Ingles bilang medium sa pagtuturo sa mga paaralan ay isa ring paraan upang mahasa an gating abilidad sa pakikipagtalastasan. Hindi lingid sa ating kaalaman na kung marunong tayong mag- Ingles ay mas malaki ang oportunidad nating makahanap ng matatag at marangal na trabaho sa loob at labas ng bansa. Ito ang wikang batid nating alam at kayang intindihin sa buong mundo.

Ang pagkakaroon ng maraming wika ay maaaring maging isang hamon para sa ating lahat. Sa halip na ituring na isang balakid, ito’y isang pagsubok upang tayo’y mas maging matatag. Ito’y isang puntos para sa atin kung marami tayong alam na salita sapagkat saan man tayo dalhin na mga napili nating propesyon, malaki ang tiwala natin sa ating sarili na kaya nating makipagsabayan sa iba.

Ating isipin na isang biyaya ang pagkakaroon ng maraming wika sapagkat magkakaiba man ng salita ay nananatili pa rin ang ating pagkakaisa. At ipinahihiwatig lamang nito na bago pa magkaroon ng ibang wika buhat sa mga banyagang nanakop sa atin, mayroon na matatag na panitikan at pamumuhay ang ating mga ninuno magkakaiba man ng pananalita.

Itanim natin sa ating isipan na wala sa pagkakaiba-iba ng wika ng higit na ikatatatag ng bansa kundi sa adhikain ng bawat Pilipino para sa ating bayan. Aanhin natin ang pagkakaroon ng isang wika kung ang ating mga layunin naman ay magkakasalungat? Mas makatutulong tayo sa pag-unlad at pagtatag ng bansa kahit na ano pang wika ang ating gamitin basta tayo’y nagkakaisa sa magandang adhikain para sa bansa.