“Maraming Wika, Matatag na Bansa”
“Akoy isang Pinoy sa puso’t diwa pinoy
Pinoy na isinilang sa ating bansa,
Ako’y hindi sanay sa wikang banyaga
Akoy Pinoy na mayroong sariling wika”
Hango sa linya ng isang awitin na nagbibigay alab sa damdamin natin upang bumangon ang ating pagkapilipino. Ang awiting magpasahanggang ngayon ay nakakintal pa rin sa ating mga gunita. Nais ipahiwatig ng awiting ito na tayong mga Pilipino ay may wika na binhi at nabuhay patak ng pawis at dugo na inalay ng ating mga bayani at dakilang tao na nagging parte ng pagtataguyod ng isang moog na bansa. Ngunit ang tanong na naglalaro sa isipin ng karamihan sa mga kapwa ko Pilipino ay tayoy isang bansa, subalit tayoy gumagamit ng maraming wika na may ibat ibang kahulugan na nagmula sa ibat ibang lugar, pano ang pagkakabuklod kung walang iisang wika na magbubuklod sa lahat?
Ang katanunagang itoy lubos na nangangailangan ng malalim na pag-unawa at makabuluhang pangangatwiran. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking pananaw mula sa paksa na ito hango sa aking pang-unawa.
May kasabihang wika ang nagbubuklod sa isang nasyon, ito ang nagsisilibing tanikala na matibay na bubuo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan ng isang pangkat.Batid kong mahirap pagbuklurin ang isang nasyon na may ibat ibang wika na isinasalita, datapwa nanniniwala ako na ang pagkakaisa ay di nakasalalay lamang sa mga salitang ibinubulalas ng ating bibig, bagkus ito ay sa pusong may mithiing makibahagi at makiisa sa mga tao na kahit may balakid sa pagkakaunawawan ay handang wasakin ang humaharang na hadlang. Kung ganun nararapat ba na manatiling wika lang natin ang maabot na ating pang-unawa?
Isang karangalan na kilalanin sa buong mundo na ang Pilipinas ang may pinakamaraming wika na isinasalita, Mas lubos na kalugod lugod kung kikilalanin tayo na pinakamaunlad na bansa na may pinakamaraming wika. Sa panahon ngayon hindi dapat napapako ang ating paniniwala na isang wika lang lang ay sapat na, higit na magpapayabong ng iyong kaalaman kung maitatatak natin sa ating isipan na higit na kailangan ang matuto ng ibat-ibang wika. Maaari nating simulan na aralin ng wika ng ibat ibang mamamayan, upang sa gayoy mas madali ng maging paraan ng pag-papaabot ng mensahe sa ibat ibang tao na mula sa ibat ibang lugar sa bansa. Sa isang bansa na gumagamit ng maraming wika mahirap maabot ang ideyal na lubos nas pagkakabuklod, kung di tayo magkakabuklod nasaan ang pag-unlad?
Sa tulong ng mga pandayan ng isipan, ang mga paaralan, at responsableng mga guro handang linangin ang kaisipan ng mga kabataan, ngayon hindi na imposibleng makamit ang pagkakaroorn ng lubos na pagkakaunawaan ng bawat mamamayang Pilipino mula sa ibat ibang dako ng bansa. May isang aralin na sadyang laan upang malinang ang isipan ng ating mga kabatatan sa lubos na pagpapapayaman sa ating pambansang wika at ito ay ang Pilipino. Ang araling ito ay naglalayong ipabatid sa lahat ng kabataan mula sa ibat ibang dako ng bansa na wikang Pilipino ay ang wika na dapat maitatak at mapag-aralan ng bawat Pilipino. Dito nagsisimula ang pambansang mithiin na magkabuklod ang lahat tungo sa minimithing pangarap na pag-unlad.Paano nga ba magiging daan ang wika pram aging maunlad ang isang bansa?
Maaring maging mabisang sandata ang wika upang mabuwag ang harang na dulot at nabuo dahil sa pagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng mga mamamayan mula ibat ibang dako nang bansa. Mas titibay ang pundasyon ng pagsasamahan ng bawat mamamayan kung bawat salitang namumutawi sa kanilang mga labi naaabot ng pang-unawa ng bawat isa. May kasabihan nga puso ang mas nakakaalam kung ito’y nag simulang pumintig at umayon sa pintig ng bawat isa maging di pagkakaunawaan a wikay di maituturing na hadlang dahil ang mithiiy utos ng puso. Naniniwala ako na higit na makapangyarihan ang layunun ng puso, sapagkat ang pusoy di kailanman makapagsisinungaling di
Ang liriko ng awiting akoy isang Pinoy naglalayon lamang na ipabatid sa lahat na ang pag Pilipinoy dapat itimo sa puso at ating isipan. Tayo ay iisang lahi na binunuklod ng ibat ibang salita na pinangungunahan ng wikang Filipino. Hindi magiging malakas na alon ang pagkakaroon ng maraming wika sa paglalayag natin tungo msa isang mithiin, bagkus itoy hindi nkailanman magiging suliranin basta manatili lang tayo Pilipino sa pusot diwa.
No comments:
Post a Comment