Tuesday, August 28, 2007

4

Maraming Wika Matatag Na Bansa

Pilipinas….. Maliit na bansa kung ikukumpara sa iba, ito ay nahahati sa 3 pulo ang Luzon, Visayas at Mindanao, sa ibat ibang lugar sa bawat pulo mayroon tayong ibat ibang dayalekto, Sa bawat probinsya may dayalekto na ginagamit sa partikular na lugar. halimbawa ng mga Dayalekto ay ang Ilokano, Ilonggo, kapangpangan, cebuano, kan-ka-na-e, atbp.

Nakakapagtaka kung bakit sa dami ng ating dayalekto na ginagamit nananatili tayong isa, hindi katulad sa ibang banyagang bansa, nagiisa ang kanilang lengguahe ngunit sila ay nagwawatak watak. Sa kabila ng pagkakasakop sa atin ng mga hapon, amerikano at mga kastila hindi nagbago ang ating mga dayalekto kundi may mga salita lamang tayo na naihango sa kanilang lengguahe.

Dahil sa pagkakatatag ng ating wikang pambansa na tinatawag nating Tagalog kahit saan mang lugar tayo mapadpad may mga taong nakakaintidi sa ating wika, Bakit nga ba Tagalog?, dahil mas madali itong matutunan at mas marami ng Pilipino ang gumagamit nito, dahil sa ating wikang Pilipino tayo ay napag uugnay uganay sa kabila ng ating pagkakaiba iba. Ang ating wika ang nagsisilbing tulay upang tayong mga Pilipino ay magkaintindihan at magka isa.

Sinakop na tayo ng ibat ibang banyaga ngunit hindi sila nagtagumpay, Nagsilbing sandata ang ating wika upang tayo ay makalaya sa pagpkakabihag ito ang naging koneksyon ng ating mga ninuno upang maghimagsik at makamit ang kalayaan.

Ang kakayahan nating mga Pilipino ay laging siusubok tulad din ng ating wika hanggat sinusubok ng panahon lalong tatatag parang isang tunay na pinoy habang may pagsubok laging lumalaban. Kung may pagkakaisa tayo ay tatag, kung tayo ay tulong tulong tayo ay aasenso.

Sabi nga ni Gat Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”

No comments: